THE LIGA NG MGA BARANGAY HYMN
IKAW, AKO AT ANG BARANGAY
By: Junn L. Sta. Maria and Almario Francisco
Tayo ang hinirang ng panahon
Upang simulan ang kasaysayan
Maging tapat sa watawat
At Inang Bayang Pilipinas
Ikaw, ako at ang Barangay
Magkasama ang Tagumpay
Ang bansang ito’y tahanan sa’yo
Sa paglilingkod kabalikat bawat tao
Kaibigan ko at Kapwa Pilipino
Ako at ang Barangay
Kaisa sa layunin ng Maykapal
Maglinkod na may dangal.
Tayo ang may tangan ng bukas
Sa pangarap at suliranin
Nakahanda’t gumagabay
Sa bawat mamayang Pilipino
Ikaw, ako at ang Barangay
Magkaisang tagumpay
Kaisa sa layunin ng Maykapal
Maglinkod ng may dangal
At Sambayanang Pilipino..